^

Police Metro

Taga-bakuna dagdagan pa ng DOH

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Gagamitin ng Department of Health (DOH) ang P368 milyon mula sa Bayanihan To Recover As One Law (Bayanihan 2) upang kumuha ng karagdagang taga-bakuna para sa mass inoculation program ng gobyerno.

“We have Bayanihan 2 funds valid until June 2021 and this is P368 million which we have given to our regional offices to hire COVID-19 vaccinators and this is up to June 31, 2021, but we are requesting the extension of Bayanihan 2,” ani Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang joint hearing sa Kamara.

Ayon kay Cabotaje, nakakuha na ng 3,000 vaccinator ang DOH.

Dagdag ng opisyal na idaragdag nito ang kaparehas na probisyon sa panukalang Bayanihan 3 Law.

Kinukuha na rin ng DOH ang mga health worker na nakatalaga sa ibang ahensya at sa militar.

Kakailanganin din umano ang kooperasyon ng pribadong sektor na pinanawagan na gamitin ang kanilang mga health workers na nagtatrabaho sa kanilang kumpanya sa COVID-19 efforts.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with