_pang-masa
^

5 pulis sinibak nang ipakulong ang isang mediaman

Danilo Garcia (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang pulis ng Manila Police District-Pandacan Police Station 10 na sangkot sa pagpapakulong sa isang radio reporter/broadcaster dahil sa simpleng bayolasyon sa di pagsusuot ng face mask ang sinibak sa kanilang puwesto.

Kaugnay ito sa gina­wang pag-aresto ng isang pulis sa police checkpoint kay Lorenz Tanjoco, reporter/broadcaster ng government-owned Radyo Pilipinas noong Sabado ng gabi. 

Ipinag-utos ni MPD Director BGen. Leo Francisco sina PLt Josel Pinon, hepe ng Beata PCP; mga tauhan na sina PSMS Jonathan Hernandez, PCpl Charlees Bronzon Dela Torre, Pat Marvin Anthony Comboya at Pat Jonathan Abad.

Pansamantala silang itinalaga sa District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) habang pinag-aaralan ang kanilang kaso.

Magugunita na sinita si Tanjoco na sakay ng motorsiklo dahil sa wala siyang suot na face mask bagama’t nakasuot siya ng helmet. Sinabi ni Tanjoco na natanggal ang face mask at hindi na niya naisuot dahil sa tumatakbo sa kalsada. 

Sa kabila nito, pinaratangan umano na arogante si Tanjoco nang magpakilala na miyembro ng media at ikinulong sa detention cell ng Beata Police Community Precinct dahil sa disobedience umano.

MEDIA POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with