^

Police Metro

LGUs pinagsusumite ng masterlist ng A4 group sa vaccination program

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang paparating na suplay ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ay pinagsusumite ang mga lokal na pamahalaan ng masterlist ng Priority Group A4 ng vaccination program ng gobyerno.

Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa inaasahang pagdagsa ng mga doses ng vaccine sa Mayo at Hunyo kung ikukumpara nitong buwan ng Abril.

Ang Priority Group A4 ay kinabibilangan ng mga manggagawa sa sektor ng transportasyon, pamilihan, manufacturing, government services, hotels, edukasyon, at media.

Ipinaliwanag din ni Nograles na nakabase sa masterlist ang suplay ng bakuna para sa mga LGU at siniguro rin nito na magkakaroon ng suplay para sa Pilipinas sa kabila ng kakulangan ng suplay mula sa Western manufacturers.

Sa kasalukuyan, health facilities, senior citizens, persons with comorbidities ang nakatatanggap ng bakuna.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with