2 pang pulis namatay sa COVID-19

MANILA, Philippines — Muling nadagdagan ng dalawa pang pulis sa listahan ng mga nasawi sa COVID-19 habang nasa 125 naman ang bilang ng mga tinamaan ng virus.

Ito ang inihayag ng Philippine National Police Health Service kaya pumalo na sa 18,531 ang mga pulis na nagka-CoVid.

Isa sa mga nasawi ay isang Police Staff Sergeant ng Mountain Province Police Office at isang Police Executive Master Sergeant sa Sarangani Police Provincial Police Office.

Sa kabila nito, 16,204 na ang lahat ng mga gumaling sa sakit matapos makarekober ang 169 pang tauhan nito.

 Kasalukuyan namang nagpapagaling ang 2,276 tauhan ng PNP.

Show comments