^

Police Metro

Duterte binawi ang 9 taon ban sa new mining agreement

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte binawi ang 9 taon ban sa new mining agreement
Ginawa ni Duterte ang hakbang sa pamamagitan ng Executive Order 130 upang madagdagan ang nakokolektang buwis na kailangan para sa ekonomiya at mga ipinapatayong proyekto ng pamahalaan.
ejatlas.org

MANILA, Philippines — Para i-maximize ang government revenues ay binawi na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nine-year ban sa pagbibigay ng bagong mining agreements.

Ginawa ni Duterte ang hakbang sa pamamagitan ng Executive Order 130 upang madagdagan ang nakokolektang buwis na kailangan para sa ekonomiya at mga ipinapatayong proyekto ng pamahalaan.

Ayon sa EO 130, maaari nang pumasok ang gobyerno sa mga bagong kasunduan na naaayon sa Philippine Mining­ Act of 1995 at iba pang batas at regulasyon.

“The Government may enter into new mineral agreements, subject to compliance with the Philippine Mining Act of 1995 and other applicable laws, rules, and regulations,” nakasaad sa kautusan ni Duterte,” anang kautusan.

Nauna nang sinuspende ni dating pangulong Benigno Aquino III noong 2012 ang aplikasyon para sa mineral contracts sa mga protected areas, prime agri­cultural lands, at mga tourism development areas.

Sinabi ni Duterte sa inilabas na kautusan na “lifted” na ang mga memorandum sa mineral agreements sa ilalim ng kautusan ni Aquino.

Nakasaad din sa EO na maaari nang magbigay ang Department of Environment and Natural Resources ng mga Exploration Permits.

Inatasan din ni Duterte ang DENR na gumawa ng mga kondisyon at panuntunan para sa mga bagong mineral agreements upang madagdagan ang buwis na makokolekta ng gobyerno at posibleng magkaroon ng mga “royalties.”

vuukle comment

MINING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with