^
Variant na âdi ma-detect ng RT-PCR test, sumulpot
Sinabi ng OCTA, ka­ilangan umanong gumawa ng mahigpit na hakbang ang gobyerno sa mga magbabalik-ba­yang Pinoy.
The STAR/Michael Varcas, file

Variant na ‘di ma-detect ng RT-PCR test, sumulpot

Danilo Garcia (Pang-masa) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binalaan agad ng OCTA Research Group ang gobyerno na magpatupad ng paghihigpit matapos na madiskubre sa France ang variant na mahirap ma-detect sa RT-PCR test.

Sinabi ng OCTA, ka­ilangan umanong gumawa ng mahigpit na hakbang ang gobyerno sa mga magbabalik-ba­yang Pinoy.

Kalagitnaan ng Marso nang sabihin ng French authorities na iniimbestigahan nila ang bagong variant na unang nakita sa western Brittany region na mahirap makita sa COVID-19 test, pero hindi naman ito mas delikado o mas nakahahawa.

Ayon kay OCTA Research member Guido David, kailangang pala­kasin ng pamahalaan ang contact tracing at COVID-19 testing nito.

“May bagong variant na hindi na-dedetect ng PCR test… Kung ganun ibig sabihin ayusin natin ang international travel protocols natin,” ani David.

Inirekomenda ng OCTA na dapat suma­ilalim sa sapilitang quarantine period ang mga pauwing Pinoy overseas para makasiguro.

OCTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with