Bulkang Taal, patuloy ang pag-alboroto

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa nakalipas na 24 oras, ang bulkang Taal ay nakapagtala ng 383 volcanic earthquakes kabilang ang 238 episodes ng volcanic tremor na may tagal na isa hanggang 12 minuto, 143 low frequency volcanic earthquakes at low-level background tremor.

Mayroon ding hot volcanic fluids sa main crater lake na naitala at nagkaroon ng 300 meter na taas ng steam-laden plumes mula sa active fumaroles,

Patuloy na nasa alert level 2 ang bulkan at pinagbaba­walan ang sinuman na pumasok sa Taal Volcano island dahil sa banta ng pagsabog, volcanic earthquakes, minor ashfall at pagluwa ng volcanic gas.

Show comments