^

Police Metro

Duterte walang sakit-Malacañang

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte walang sakit-Malacañang
Ito ang inihayag kahapon ni Presidential spoksperson Harry Roque matapos matanong kung bakit siya pa ang naghayag ng pinakahuling quarantine classifications ga­yong mayroon siyang sakit matapos tamaan muli ng COVID-19 at hindi ang presidente.
STAR/ File

Hindi kailangan maglabas ng medical bulletin…

MANILA, Philippines — “Walang dahilan upang maglabas ng medical bulletin ang Palasyo dahil walang sakit si Pangulong Duterte”.

Ito ang inihayag kahapon ni Presidential spoksperson Harry Roque matapos matanong kung bakit siya pa ang naghayag ng pinakahuling quarantine classifications ga­yong mayroon siyang sakit matapos tamaan muli ng COVID-19 at hindi ang presidente.

Sinabi ni Roque na siya naman talaga ang nag aanunsiyo ng mga classifications matapos aprubahan ng Pangulo.

“Eh ako naman po talaga nag-aanunsiyo eh ng mga classifications after he approves them ‘no. Mula po halos isang taon na nang ako’y bumalik talagang ako naman po nag-aanunsiyo niyan except lang kung iyong simula ng buwan coincides with the Talk to the People on a Monday. In which case, sinasabay po sa Talk to the People. Pero sa mula’t mula po, ako naman po iyon,” pagtatanggol ni Roque.

Sa batikos sa social media tungkol sa pagpapakita ng “proof of life” ng Pa­ngulo pero walang “proof of work” sinabi ni Roque na walang ibang iniisip ang Pangulo kung hindi ang problema ng bayan.

Sinabi rin ni Roque na mayroong nagpapa­kita lamang kapag sila ay nagtatrabaho, pero ang Pangulo aniya ay 24/7 na iniisip ang bayan.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with