Bakunadong pinoy lagpas na sa 1 milyon

Sa higit milyong nabakunahan, 965,169 doses ng COVID-19 vaccine ang naibigay sa health workers, ang una sa prayoridad sa vaccination program ng gobyerno.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Presidential spokeperson Harry Roque na lumagpas na umano sa milyon ang mga Filipino na nabakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay Roque hanggang nitong Abril 12, Lunes, ay umabot na sa 1,007,356 indibiduwal ang nababakunahan ng unang dose kontra COVID-19 habang 132,288 na ang nakumpleto ang dalawang dosage ng bakuna.

“We are third in Southeast Asia, behind Indonesia na may 14.7 million doses admi­nistered at Singapore na 1.7 million,” pagmamalaki ni Roque sa Palace briefing.

Sa higit milyong nabakunahan, 965,169 doses ng COVID-19 vaccine ang naibigay sa health workers, ang una sa prayoridad sa vaccination program ng gobyerno.

Nasa 280,569 doses ng COVID-19 vaccine ang itinurok sa National Capital Region—ang epicenter ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Nasa 3,025,600 do­ses ng Sinovac at AstraZeneca COVID-19 vaccine supply naman ang dumating at naideliver na sa bansa.

Show comments