4K ayuda sa pamilya ‘di sapat sa 2 weeks ECQ

MANILA, Philippines — Inamin ng Malacañang na hindi sapat ang P4,000 na ayuda sa loob ng dalawang linggo para sa mga pamilyang may apat na miyembro na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Pero, sinabi ni Pre­sidential spokesperson Harry Roque, wala naman talagang pasok ang Lunes Santo at Martes Santo kaya dalawang araw lamang ang nawalang kita ng mga empleyado.

Hindi aniya sapat ang P4,000 pero ang “nature” ng ayuda ay tulong para sa mga panahon na hindi makakapagtrabaho ang mga mamamayan.

Ang P4,000 ang pinaka-maximum na halaga na ibibigay sa isang pamil­ya para sa apat na miyembro nito na aabot ang kabuuan sa P23 bil­yon at ngayong linggo na ilalabas ang nasabing halaga.

“Sa ngayon ay wala pang kasunod na ayuda dahil naka-recess ang Kongreso na siyang magpapasa ng supplemental budget kung kinakailangan,” wika ni Roque.

Show comments