Pagbubukas ng mga sinehan, arcade sa Metro Manila muling kinansela

“They have decided to temporarily suspend the operations of cinemas and arcades,” pagkumpirma ni Metro Manila Development Authority chairman Benhur Abalos.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay napagkasunduan ng mga alkalde na muling isara ang mga sinehan at arcade.

“They have decided to temporarily suspend the operations of cinemas and arcades,” pagkumpirma ni Metro Manila Development Authority chairman Benhur Abalos.

Ani Abalos na kasalukuyang binabalangkas ang resolusyon upang suspendehin ang mga ope­rasyon ng mga sinehan at arcade.

Una nang pinahintulutan ng Department of Trade and Industry ang operasyon ng mga sinehan at arcade sa mga lugar na nasa general community quarantine simula Marso 5.

Iniulat naman ng OCTA Research group na tumaas ng 50 porsyento ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila nitong Pebrero 26 hanggang Marso 4 kumpara sa nakaraang linggo.

Show comments