Maikling summer break sa public schools binawi ng DepEd

MANILA, Philippines — Binawi na ng tuluyan ng Department of Education (DepEd) ang naunang panukala nilang paikliin at gawing dalawang linggo na lamang ang summer break o bakasyon ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ngayong School Year 2020-2021.

Ito ay kasunod nang pag-ani nito ng kaliwa’t kanang batikos at pagtutol sa ilang grupo, partikular na sa mga magulang, mga guro at mga mag-aaral.

Sinabi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, na kabilang sana ang shortened summer break sa maraming opsiyon na kanilang ikinukonsidera ngunit dahil sa maraming tutol dito ay hindi na nila itutuloy ang panukala.

Show comments