^

‘Murder for insurance’... Pinatay na Koreano, ‘utak’ sa plinanong krimen

Doris Franche (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mistulang palabas sa telebisyon ang itinakbo ng imbestigasyon sa pagpatay sa isang Koreano sa Valenzuela City noong Pebrero matapos mangumpisal ang dalawang suspek na mismong ang dayuhan din ang “mastermind” sa likod ng krimen.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Debold Sinas at posible umanong para makakubra ng insu­rance ang dahilan kung bakit tinodas ang negos­yanteng si Nam Sunuk.

Sa imbestigasyong isinasagawa ng pulisya ay isiniwalat ng mga suspek na sina Kimberly Radores at Rica Estrella sa harap ng abogado na ang biktima umano ang nagplano ng krimen.

Ayon sa pulisya, may nakahanda silang “digital” na ebidensya ng mga sinasabing email  ng biktima sa isa sa mga suspek.

Pero, binigyang-diin ng pulisya na ang indibidwal na partisipasyon ng mga suspek ay sapat na para panagutin sila sa krimen.

Magugunitang binaril at napatay sa likod ng kanyang sports utility vehicle sa Padrigal Extension sa Maysan, Valenzuela ang biktima noong Pebrero 13 at narekober ang isang cal. 45 pistol at isang pulang kotseng ginamit sa krimen.

Kinasuhan na ng murder ng Valenzuela City Police ang mga suspek na sina Radores, Estrella, Rusty Hernadez Cruz, Josephine Pidlaoan Nape, Leana Marie Nagaño alyas “Yana”, Bryan Saga Gulfo, Bryan Remlona Escamillas, at Police Corporal Darwin Garcia Castillo.

MURDER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with