Sinovac vaccine sa PNP umarangkada na

Pinangunahan nina PNP Health Service Director Brig. Gen. Luisito Magnaye;PNP General Hospital Chief, Dr. Lt. Col. Cleto Manongas, at PNP GH Deputy Chief Dr. Lt. Col. Raymond Ona na magpabakuna ng Sinovac kahapon ng umaga sa pag­lulunsad ng vaccination program ng PNP.
AFP/Noel Celis

MANILA, Philippines — Umarangkada na rin kahapon ang pagbakuna ng Sinovac sa Philippine National Police (PNP).

Pinangunahan nina PNP Health Service Director Brig. Gen. Luisito Magnaye;PNP General Hospital Chief, Dr. Lt. Col. Cleto Manongas, at PNP GH Deputy Chief Dr. Lt. Col. Raymond Ona na magpabakuna ng Sinovac kahapon ng umaga sa pag­lulunsad ng vaccination program ng PNP.

Sinabi ni Magnaye na hindi siya nakaramdam ng anumang takot at sa halip ay malaking kara­ngalan sa kanya na unang naturukan ng Sinovac. Wala naman siyang ibang naramdaman matapos ang ilang oras.

Hindi man dumating ang kanyang personal choice na vaccine alam niya ligtas ang Sinovac.

Ayon naman kay PNP Deputy Chief for Admi­nistration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, kumpleto na ang mga nagboluntaryo na mabakunahan ng inisyal na 800 dose ng bakuna na alokasyon ng PNP Ge­neral Hospital.

Ito ay mula sa unang 600,000 dose ng bakuna ng Sinovac na dumating sa bansa kahapon.

Siniguro naman ni Elea­zar na magagamit nila ang lahat ng bakuna na naka-allocate sa kanila.

Show comments