^
Pagdating ng AstraZeneca vaccine naudlot
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 50 hanggang 70 milyong indibidwal ngayong taon.
Andrew Matthews/POOL/AFP

Pagdating ng AstraZeneca vaccine naudlot

Gemma Garcia (Pang-masa) - March 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naudlot ngayong araw ang pagda­ting ng AstraZe­neca vaccine galing sa COVAX facility.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III, matapos na makuha ang impormasyon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez.

Ngayong 12:50 ng tanghali dapat ay inaasa­han na darating ang bakuna mula sa AstraZeneca, subalit ayon kay Duque, nagkaroon ng problema sa supply kaya maaantala ang pagdating ng bakuna ng isang linggo.

Umaasa naman ang kalihim na sa susunod na linggo ay darating na ang AstraZeneca, subalit kung anong oras, araw o flight hindi pa umano nila ito alam.

Kinumpirma din ni Presidential Spokesman Harry Roque, na hindi darating ngayong araw ang AstraZeneca base sa notice ng COVAX faci­lity dahil sa problema sa logistics.

Nabatid na nasa 525,600 doses naman ng bakuna ng AstraZeneca galing sa COVAX facility ang darating sana ngayon.

Sinabi ni Galvez na ang mga nasabing bakuna ay ilalaan sa Philippine General Hospital at iba pang mga major hospital sa bansa.

Nauna nang binigyan ng Food and Drugs Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang mga bakuna ng  Pfizer, AstraZeneca, at Sinovac.

Kaugnay nito, hinikayat ng opisyal ang publiko na magparehistro sa kanilang mga barangay upang makapagpabakuna.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 50 hanggang 70 milyong indibidwal ngayong taon. — Danilo Garcia

 

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with