^
Kasundaluhan mandatory ang magpabakuna â AFP
Nauna nang inianunsyo ng Malacañang ang pagdating ng 600,000 doses ng Sinovac Biotech vaccines na donasyon ng Tsina sa Linggo, Pebrero 28, kung saan 100,000 rito ang ibibigay sa Department of National Defense.
AFP/CHAIDEER MAHYUDDIN

Kasundaluhan mandatory ang magpabakuna — AFP

Doris Franche (Pang-masa) - February 27, 2021 - 12:00am

‘Pag ayaw sa Sinovac, pagbabayarin sa ibang bakuna…

MANILA, Philippines — Inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson, Marine Maj. Gen. Edgard Arevalo na mandatoryo para sa mga sundalo ang  magpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19), pero maaari naman silang makapamili ng bakuna bukod sa Sinovac basta aakuin nila ang gastos rito.

Nauna nang inianunsyo ng Malacañang ang pagdating ng 600,000 doses ng Sinovac Biotech vaccines na donasyon ng Tsina sa Linggo, Pebrero 28, kung saan 100,000 rito ang ibibigay sa Department of National Defense.

Bukod pa sa mga sun­dalo ay kasama ang ka­nilang mga dependent sa mababakunahan.

Ayon sa pamunuan ng AFP na kung ayaw nila sa Sinovac ay maaari naman silang maghantay pero sariling bulsa na nila ang gagamitin pambili sa gusto nilang brand ng bakuna.

SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with