^
PDEA officials na may kaso, sinibak ni Duterte
“Ang utos ko ngayon dito sa [PDEA] is paalisin ito lahat. Iyong lahat na suspended i-modify ninyo. Hindi na ako maniwala ‘yang may finality sa --- sa final and executory. Umalis kayo. Wala akong pakialam. Mag-demanda ka kasi sabihin mo tapos ka na, na-hearing na ‘yong kaso mo at iyan lang ang penalty mo, one-year suspension. Sabihin ko sa iyo, that’s b***s***. You get out,” ani Duterte.
The STAR/KJ Rosales, file

PDEA officials na may kaso, sinibak ni Duterte

Malou Escudero (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinasisibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga suspendido at may nakabinbing kaso ng mga opisyales ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“Ang utos ko ngayon dito sa [PDEA] is paalisin ito lahat. Iyong lahat na suspended i-modify ninyo. Hindi na ako maniwala ‘yang may finality sa --- sa final and executory. Umalis kayo. Wala akong pakialam. Mag-demanda ka kasi sabihin mo tapos ka na, na-hearing na ‘yong kaso mo at iyan lang ang penalty mo, one-year suspension. Sabihin ko sa iyo, that’s b***s***. You get out,” ani Duterte.

Pinangalanan ni Pangulong Duterte ang mga napatalsik na PDEA officials, ito ay sina Julius Navales – Director III, Administrative Holding Office - Administrative (and) Human Resource Service, na may kasong “misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service; Erwin Ogario – Director III, Administrative Holding Office - Administrative and Human Resource Service. Grave misconduct, pinalaya ang isang drug suspect at hindi isinama ang 500 piraso ng ecstasy sa inventory ng ebidensiya; Sherwin Herbert Manuel – Intelligence Officer IV. Grave misconduct, “prejudicial to the best interest of the service,”  nanguna rin sa pagpapalaya ng isang drug suspect at hindi rin isinama ang 500 piraso ng ecstasy sa inventory ng ebidensiya; Hassan Muharam, administrative staff na kinasuhan ng grave misconduct matapos magpositibo sa droga; at talsik din sa posisyon si Reagan Silverio, intelligence officer dahil sa extortion.

Sinabi pa ni Duterte na may mga pagkakataon na nadidismis ang isang kaso dahil sa pera.

“Nare-release sa pulis, minsan na-dismiss doon sa Fiscal’s Office o minsan mismo sa korte, alam mo ang naglalaro dito alam mo ano? Pera. I am not saying that all of them. As a matter of fact, it would be safe to say na kakaunti lang ‘yan sila. Very few but then they destroy the integrity of government itself,” ani Duterte.

 Sinabi rin ng Pangulo na walang karapatan ang mga nabanggit na pinatalsik sa posisyon na mag-“facilitate” sa pagpapalaya ng isang drug suspect.

 “Now, itong mga ‘facilitating a drug suspect.’ Hindi naman abugado itong p***** i**. Hindi --- hindi ka naman imbestigador and you facilitate the release, it could only mean money. That is why basta may pera at saka ‘yang nadispalko, dapat talaga must be dismissed,” ani Duterte.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with