Motor Vehicle Testing, hindi na mandatory — LTO

MANILA, Philippines — Binawi na ng Land Transportation Office (LTO) ang nauna nitong kautusan na gawing mandatory ang vehicle testing bago mairehistro matapos ang kaliwa’t kanang panawagan mula sa mga motorista.

Sa Memorandum Order na pinirmahan ni LTO Chief Edgar Galvante, boluntaryo na lamang ang pagkuha ng vehicle tes­ting sa mga Private Motor Vehicle Inspection Center.

Ibinaba rin ng LTO ang singil sa inspection fee kung saan P300 na lamang sa mga For Hire Vehicles, P500 sa mga motorsiklo at P600 sa iba pang sasakyan.

Hindi na rin private testing centers ang gagawa ng inspection at emission testing bagkus mga empleyado na ng LTO ang gagawa nito.

Una ng ipinanawagan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection at iba pang sektor ang pagbuwag sa MVIS dahil ugat lamang daw ito ng korapsiyon at dagdag pahirap sa mga motorista.

Show comments