Bodega ng mga Chinese medicines, illegal goods sinalakay ng BOC

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P9 milyong halaga ng smuggled Chinese medicines kabilang ang kilalang Lian­hua Qingwen na gamot umano sa COVID-19 ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Parañaque City, kamakailan.

Pinangunahan ni Alvin Enciso, hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Manila Internatio­nal Container Port, ang pagsalakay sa bodega at storage na matatagpuan sa Sunrise St., Tambo, Parañaque City.

Bukod sa nasabing gamot sa COVID-19 ay may mga nakumpiska rin  silang iba’t ibang Chinese cigarettes, medicines, food items, at iba pang illegally imported goods. 

Show comments