^

38 close contact ng 13 UK variant cases positibo sa COVID-19

Danilo Garcia (Pang-masa) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa CO­VID-19 ang 38 indibidwal sa lalawigan ng Benguet at Mt. Province makaraang maging close contacts ng unang 13 kaso ng United Kingdom variant.

Ayon kay Department of Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, 34 sa mga bagong pasyente ng virus ay naging close contact ng 12 UK COVID-19 variant cases na mula sa Bontoc, Mountain Pro­vince habang ang apat na iba pa ay nahawa naman sa isang COVID-19 patient sa La Trinidad, Benguet.

Dahil dito naka-lockdown ang mga  Barangay Tocucan, Bontoc Ili, Caluttit, Poblacion, at Samoki sa Bontoc para maiwasan ang pagkalat ng UK variant ng virus. 

Ngunit nilinaw ni Vergeire na hindi UK variant ang virus na natuklasan sa 38 bagong pasyente at wala namang ebidensya na mas nakamamatay ang UK variant bagama’t mas madali itong maipasa sa ibang tao.

Nabatid na isang overseas Filipino worker (OFW) mula sa UK ang dumating sa bansa noong Disyembre 13 ngunit nag-negatibo sa COVID-19 nang isailalim sa swab test.

Umuwi siya sa Bontoc at nakibahagi sa mga kasiyahan noong Kapaskuhan hanggang sa makitaan ng sintomas ng virus noong Disyembre 29. Nabatid na 116 ang kabuuang close contacts ng OFW na natukoy ng pamahalaan.

Wala namang travel history ang pasyente ng UK COVID-19 sa La Trinidad na nakapanghawa sa apat niyang kasambahay habang 93 pang close contacts ang natukoy na.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with