^

Police Metro

Cavite drug bust: 5 pusher utas

Cristina Timbang - Pang-masa
Cavite drug bust: 5 pusher utas
Ang mga napatay ay kinilalang sina Avril Castro, 33, ng Brgy. Bagbag I, Rosario; isang alias CJ; isang hindi nakikilalang lalaki; alias Fritz Malon Florentino ng Hotelier Village, Brgy. Bucandala 5, Imus City; at Ricky Perez, alias “Rikitoy”, ng Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite.
Freeman, file

MANILA, Philippines — Lima ang nasawing drug pusher sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Cavite.

Ang mga napatay ay kinilalang sina Avril Castro, 33, ng Brgy. Bagbag I, Rosario; isang alias CJ; isang hindi nakikilalang lalaki; alias Fritz Malon Florentino ng Hotelier Village, Brgy. Bucandala 5, Imus City; at Ricky Perez, alias “Rikitoy”, ng Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite.

Sa ulat, alas-3:30 ng madaling araw kahapon nang magsagawa ng buy-bust operations ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) ng Rasario MPS at PDEA 4A sa Brgy. Tejeros Convention, Rosario.

Dumating ang suspek na si Castro sa lugar na naka-motorsiklo at angkas nito si alias CJ at isa pa at agad na nakipag-transaksiyon sa poseur buyer.

Nahalata ni Castro na pulis ang ka-deal kaya’t pumalag ito sa aresto at nagbunot ng baril at ipinutok sa kausap, suba­lit nagmintis kaya gumanti ang otoridad na nagresulta sa kamatayan ni Castro.

Tumakas ang iba pang mga kasamahan sakay ng motorsiklo at nang makorner ay nanlaban kaya’t napatay ang mga ito.

Alas-12:40 ng mada­ling araw nang mapatay din si Florentino nang pumalag sa isinagawang buy bust operation sa Brgy Malagasang, Imus City, Cavite.

Habang napatay rin kamakalawa ng alas-9:55 ng gabi si alias Rikitoy nang makipagpalitan ng putok sa NHA Balai Isabel Subd., Brgy Malai­nen Bago, Naic, Cavite.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with