18-minutong sunog sa Maynila: 1 patay

MANILA, Philippines — Isang 42-anyos na maintenance personnel ng SVD Catholic Trade sa sunog na nagtagal lang ng 18-minuto, sa compound na matatagpuan sa Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling araw (Enero 23).

Kinilala ni Arson investigator SFO3 Edil­berto Cruz ng San Lazaro Fire Station, ang biktimang si Sonny Globio, binata, stay-in sa No. 1916 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa inisyal na ulat, dakong alas 2:48 ng madaling araw nang magsimula ang apoy na idineklarang 1st alarm dakong alas-2:50 ng madaling araw at alas-3:06 ay fire-out na.

Na-trap umano ang biktima sa kaniyang kuwarto kaya hindi na nakalabas ng buhay.

“Hindi naman siya charred, nasunog din ang katawan pero aalamin din kung nasuffocate o ano ang ikinamatay,” ani Cruz.

Show comments