^

Police Metro

13 sa 16 bagong nagpositibo sa UK variant, hanap na sa Cordillera

Raymund Catindig - Pang-masa

Magalong, mamumuno sa tracking team

MANILA, Philippines — Pamumunuan ni con­tact tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang isasabak ng Department of Health na 60-man team upang sundan ang iniwang yapak ng 12 na katao sa Mt. Province at isa sa Benguet na pawang nagpositibo sa “mutant” UK variant ng COVID-19 noong Biyernes upang masawata ang hawaan.

Walang ibinigay na detalye ang DOH kung paano nakapasok sa Bontoc, Mountain Province ang UK variant ng virus maliban lamang sa pito sa kanila ang lalaki at lima ang babae habang tig-tatlo ang senior citizen at menor-de-edad.

Hindi rin maubos isi­pin ng naturang kagawaran kung paano tinamaan ng UK variant ang isang taga La Trinidad, Benguet na sinasabing hindi naman lumalabas ng bahay at walang kaugnayan sa mga naunang nagpositibo sa virus.

Bunsod nito sinabi ni Magalong na isasabak ng DOH ang team na binubuo ng mga bihasang contact tracers mula Region 1, 2, 3 at Cordillera Regional Inter-Agency Task Force for the Ma­nagement of Emerging Infectious Diseases (RIATF MEID) na kanyang pamumunuan.

Kasabay ng 13 na taga-Cordillera region na nakitaan ng COVID-19 UK variant infection kamakalawa ay dalawang overseas Filipino worker (OFW) na umuwi mula Lebanon at isang taga Calamba, Laguna na hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa DOH kung paano ito nahawa. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with