^

Police Metro

Ina,nobya at 11 pa na close contacts ng UK variant patient sa Pinas, positibo sa COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Labintatlong indibi­dwal kabilang ang ina at nobya na naging “close contacts” ng lalaking may taglay na United Kingdom variant ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Department of Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na nagpositibo sa virus ang 29-anyos na nobya sa inulit na swabbing sa kaniya maging ang ina ng lalaki na itinuturing na index patient ng UK variant COVID-19.

Sa 159 na pasahero ng Emirates Flight EK 332 na sinakyan din ng pasyenteng lalaki, walo sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19 sa inisyal na swab testing na ginawa ng Philippine Red Cross (PRC) paglapag nila sa bansa noong ­Enero 7.

Nagpositibo rin sa COVID-19 ang dalawa pang pasahero na unang nag-negatibo sa inisyal na swab test at muling isinailalim sa test at isang health care worker mula sa Quezon City na nakasalamuha ng index patient.

Umaabot sa 213 ang lahat ng naging close contacts ng index patient kabilang ang 159 kapwa pasahero ng eroplano, limang kasama sa bahay bukod sa nobya at 49 pang iba.

Anim na lamang umano ang hindi pa mahanap ng mga contact tracers ngunit may mga ulat na natukoy na rin kahapon ang apat sa kanila.

Hindi pa batid kung UK variant ng COVID-19 rin ang virus na taglay ng mga nagpositibo. 

Nasa stable nang kondisyon ang index patient at malapit na ring matapos ang kaniyang isolation period.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with