^

Police Metro

Comelec naitala ang 1 milyong bagong botante sa 2022 polls

Danilo Garcia - Pang-masa
Comelec naitala ang 1 milyong bagong botante sa 2022 polls
Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez at inaasahan ng Comelec na apat na milyon pang magpaparehistro hanggang sa pagtatapos ng pagpapatala sa Setymebre.
File

MANILA, Philippines — Umabot na sa isang milyong Pinoy pa ang nagparehisto para ma­kaboto sa 2022 national and local elections ang naitala ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez at inaasahan ng Comelec na apat na milyon pang magpaparehistro hanggang sa pagtatapos ng pagpapatala sa Setymebre.

Inamin naman ni Jime­nez sa isang forum na mabagal ang pagpaparehistro ng mga Pinoy dahil sa limitasyon dulot ng pandemya.

Sa isinasagawang pag­papatala ng Comelec, bukas ang kanilang opisina mula Lunes hanggang Martes; inilalaan naman ang Biyernes sa disinfection sa mga opisina.

Para naman masolus­yunan at mapabilis ito, tinitignan ng Comelec ang posibilidad na pagtatayo ng satellite registration.

Sa kabila nito, ipinagmalaki naman ni Jimenez na hanggang sa ngayon ay wala pang naitatalang COVID-19 transmission sa registration centers.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with