^

Police Metro

DOH target ang 85% vaccine confidence

Danilo Garcia - Pang-masa
DOH target ang 85% vaccine confidence
Sa ginanap na town hall meeting ng DOH kasama ang mga health workers ay sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagsagawa sila ng survey sa tiwala sa bakuna na inisyal na nasa 60 porsyento lamang.
AFP/Joel Saget

MANILA, Philippines — Target ng Department of Health (DOH) na mapataas sa 85 porsyento ang tiwala ng publiko sa bakuna kontra COVID-19 sa ikakasa nilang ‘information drive’ upang mabura ang negatibong pagtingin sa pagpapabakuna.

Sa ginanap na town hall meeting ng DOH kasama ang mga health workers ay sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagsagawa sila ng survey sa tiwala sa bakuna na inisyal na nasa 60 porsyento lamang.

Nang maipaliwanag umano nila ang kaha­lagahan nito, umakyat ang tiwala ng mga res­pondents sa 80%-85%.

Kaya’t plano ng DOH na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng town hall meetings na isang uri ng konsultasyon sa iba’t ibang sektor ukol sa darating na vaccination program ng pamahalaan na unang naisailalim dito ang mga medical associations at grupo ng mga nurses.

Inaasahan na magsasagawa rin ng sarili nilang information drive ang mga medical societies para mapataas ang kumpiyansa ng taumbayan sa darating na mga bakuna.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with