^
DOH:92% ng nakasama sa flight ng nagpositibo sa bagong COVID-19 variant nakontak na
Batay kay Health Un­dersecretary Maria Rosario Vergeire, lulan ng Emirates flight EK 332 ang 159 iba pang pasahero bukod sa lalaki.
The STAR/File

DOH:92% ng nakasama sa flight ng nagpositibo sa bagong COVID-19 variant nakontak na

Danilo Garcia (Pang-masa) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nahanap na ng mga otoridad ang 92 percent ng mga pasahero na kasabay ng 29-anyos na Pilipinong nagpositibo sa bagong UK COVID variant.

Batay kay Health Un­dersecretary Maria Rosario Vergeire, lulan ng Emirates flight EK 332 ang 159 iba pang pasahero bukod sa lalaki.

“Out of the 159,we were already able to coordinate with 146 of them. So 92 percent po ‘yan,” aniya sa press briefing.

Habang 13 percent naman ang hindi sumasagot sa tawag ng contact tracing team.

“Doon sa 146, meron na tayong 125 na may positive na na aksyon tayong ginawa because they were able to continuously coordinate with us,” punto ni Vergeire.

“Lahat po sila (125) ay na-swab using RT-PCR test at kinunan ng specimen for genome sequencing [needed to detect the new UK variant].”

Maaari anyang, masampahan ng kasong kriminal ang mga pasahero na nakasabay ng Pilipino na unang nadiskubreng may taglay na UK COVID-19 variant sa eroplanong mula sa Dubai kung patuloy na hindi makikipag-ugnayan sa mga contact tracers ng pamahalaan.

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with