MMDA chair Danilo Lim, pumanaw na

MANILA, Philippines — Pumanaw na sa edad na 65-anyos si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim matapos itong atakihin sa puso.

Nabatid na bago mag-alas-8:00 kahapon ng umaga ay sumakabilang buhay si Lim sa St. Luke’s Global dahil sa cardiac arrest.

Kinumpirma mismo ito ng Malacañang at nakikidalamhati sila sa pamil­yang naiwan ng dating heneral.

Nauna nang nabalita na sumailalim sa routine swab test si Lim kung saan lumabas na positibo ito sa COVID-19 nito lamang Disyembre 29.

Si Lim ay ipinanganak noong Hunyo 2, 1955 at nagretiro bilang Brigadier General ng Philippine Army kung saan nagsimula siya sa kanyang serbisyo mula 1973 hanggang 2010.

Show comments