48% pamilyang Pinoy nagsabing mahirap – SWS

MANILA, Philippines — Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) ay kinokunsidera ng 48 porsyento ng mga pamilyang Pinoy na mahirap sila.

Sa 1,500 respondent sa isang face-to-face interview na isinagawa nitong Nobyembre 21 hanggang 25 napag-alamang 36 porsyento ang “borderline poor” habang 16 porsyento lamang ang nagsabing hindi sila mahirap.

Kumpara nitong nakaraang taon, 54 porsyento ang nagsabing mahirap sila habang 23 porsyento ang “borderline poor” at 23 porsyento ang hindi mahirap.

Ayon din sa survey, 8.2 porsyento ang nagsabing “newly poor” o naghirap mula sa maayos na buhay.

Habang 5.3 porsyento ang nagsabing “usually poor” o limang o mahigit pang taong hindi mahirap at 34.7 porsyento ang “always poor” o hindi nakaranas na maayos na buhay.

 

Show comments