^

Senado hinimok na ituloy ang pagkonsidera sa DFO

Gemma Garcia (Pang-masa) - December 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Ituloy ang deliberasyon ng mga nakabinbin na panukalang batas na naglalayong bumuo ng isang Department of Filipinos Overseas (DFO)”.

Ito ang kahilingan ng ilang lider ng mga grupo ng Overseas Filipino Workers (OFW) sa mga komite ng senado tulad ng Labor and Employment, Foreign Relations, and Finance.

Sinabi ni OFW Global Movement Association and Cooperation Inc. (OFW-GMAC),President Lalaine Dazille Siason na dapat na may iisang ahensyang magbibigay ng komprehensibong tugon sa mga isyung kinakaharap ng mga OFW.

Simula pa aniya nang umupo sa puwesto si Pangulong Duterte noong 2016 ay ipinangako na sa kanila ang nasabing ahensyang magsisilbing one-stop-shop na tutugon sa lahat ng kanilang pangangailangan, “lalo na kung malagay sa matinding panganib ang aming buhay, maging biktima ng pag-abuso o magkaroon ng pandemya tulad ngayon,” wika ni Siason.

Nabatid na pasado na sa House of Representatives ang Department of Filipinos Overseas and Foreign Employment bill noong Marso 11, 2020 sa ilalim ng pamumuno ng noo’y Speaker Alan Peter Cayetano na isa rin sa mga pangunahing may-akda nito na sa kasalukuyan, siyam na magkakatulad na panukalang batas ang nakabinbin sa komite ng Senado na sinuspinde noong Lunes.

SENADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with