Hamon ni Go: Galvez at Duque, unang magpaturok ng COVID-19 vaccine

Malou Escudero (Pang-masa) - December 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang mahikayat ang mamamayan na magpabakuna, hinamon ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sina vaccine czar at coronavirus chief implementer Carlito Galvez, Jr., at Health Secretary Francisco Duque III na mauna nang magpaturok ng COVID-19 vaccine kapag dumating na sa bansa.

“And I’m challenging Secretary Galvez, once available na po iyong safe na vaccine ay ipakita niya, along with Secretary Duque, sila po unang magpapaturok ng vaccine once safe para to encou­rage naman po,” ani Go.

Sinabi rin ni Go na uunahin pa ring maturukan ng bakuna ang mga mahihirap, mga frontli­ners, sundalo, guro at mga senior citizens.

“Pero dapat unahin: Poor; vulnerable; frontli­ners, of course, sila iyong nangunguna sa labang ito; mga sundalo; and of course, iyong mga guro natin; iyong mga senior citizens po na talagang vulnerable; at especially po iyong mga indigent Filipino people na kailangang lumabas, magtrabaho, maghanapbuhay po, sila po iyong talagang exposed dito so, unahin po natin sila,” ani Go.

Dapat din aniya na libre ang bakuna sa mga mahihirap.

Tiniyak din ni Go na nakalatag na ang mga gagawin ng gobyerno para matiyak na makakakuha ng bakuna ang Pilipinas.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with