^

Police Metro

Police station sa Maguindanao, inatake ng 50 terorista

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 50 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS) ang umatake sa isang police station sa Brgy. Poblacion, Datu, Piang, Maguindanao, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division spokesman Lt. Col. Anhouvic Atilano, alas-10:30 ng gabi nang umatake ang mga tero­rista sa police station na walang habas na nagpaputok at nanunog ng police patrol car.

Ang mga umatakeng terorista na may dalang bandila ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ay pinamumunuan nina Kumander Karialan Saga Animbang at Kumander Motorola sa ilalim ng grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abo Toraife ng BIFF-ISIS.

Tumagal ang palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at terorista gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Sinabi naman ni 6th ID chief at Joint Task Force Central commander Maj. Gen. Juvymax Uy na agad nakapagresponde ang mga sundalo na tumulong sa mga pulis.

Umatras ang mga te­rorista nang gumamit na ng mga Semba armored carrier ang tropa ng pamahalaan at dumating pa ang karagdagang puwersa.

Walang nasugatan sa panig ng mga pulis at sundalo habang hindi pa matiyak ang panig ng BIFF.

vuukle comment

BIFF

TERORISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with