^

Police Metro

Mga minor puwede sa malls na nasa MGCQ — Malacañang

Malou Escudero - Pang-masa
Mga minor puwede sa malls na nasa MGCQ � Malacañang
Ayon kay Roque, nasa kapangyarihan talaga ng mga Metro Mayors ang desisyon tungkol sa edad ng mga kabataan na puwedeng pumasok sa mga malls lalo na ngayong Kapaskuhan.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Malacañang ang mga magulang na maghanap ng mall na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) para doon dalhin ang kanilang mga anak na menor de edad.

Ito ay matapos magdesisyon ang mga Metro Manila mayors na papasukin ang kanilang mga anak sa mall na nasa ila­lim ng GCQ tulad sa Metro Manila.

Ayon kay Roque, nasa kapangyarihan talaga ng mga Metro Mayors ang desisyon tungkol sa edad ng mga kabataan na puwedeng pumasok sa mga malls lalo na ngayong Kapaskuhan.

Sinabi ni Roque na hindi naman ipinagbabawal ang pagpunta ng mga residente sa ge­neral community qua­rantine (GCQ) sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ dahil kaila­ngang buhayin ang mga negosyo.

Ipinaalala rin ni Roque na base sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases, kapag ang lugar ay nasa MGCQ, puwedeng lumabas ang mga 21 hanggang 15 taong gulang pero depende pa rin sa diskresyon ng mga local government units.

Sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na bagaman at ibinasura ng mga mayors sa Metro Manila ang panukalang payagan ang mga menor de edad sa loob ng mga malls ay maaari naman silang pumasok sa mga medical establishments.

vuukle comment

MGCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with