Cotabato mall bomber utas sa shootout

Rhoderick Beñez (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay sa engkwentro ang umano ay utak ng New Year’s eve 2018 bombing sa isang shopping mall sa Cotabato City, kamakalawa.

Kinilala ang nasa­wing suspek na si Abraham Abad Abdulrahman alyas Abu Suffian na miyembro ng Dawlah Islamiya.

Batay sa ulat, bago nangyari ang engkuwentro ay nagtungo ang mga otoridad sa bahay ng isang Jasmiyah Camsa Imbrahim para sa search warrant na inilabas ni Judge Allan Edwin Boncavil ng RTC Branch 19 ng Isulan City, Sultan Kudarat.

Habang isisilbi ang search warrant ay nanlaban ang suspek na si Abu Suffian na asawa ni Jasmiyah na nauwi sa palitan ng putok na ikinasawi nito.

Nakuha kay Abu Suffian ang isang cal. 45 pistol at isang granada.Habang nakatakas naman ang misis niyang si Jasmiyah.

Maliban sa ginamit na armas ng suspek nakuha din sa bahay ang isang 60mm high-explosive mortar projectile, IED components, at motorsiklo. May nai-rescue din na anim na menor de edad sa lugar.

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with