^

Police Metro

Anak ni Bayan Muna Rep. Cullamat napatay sa engkuwentro

Doris Franche - Pang-masa
Anak ni Bayan Muna Rep. Cullamat napatay sa engkuwentro
Sinabi ni Rep. Cullamat, na batid niya ang pagsali ng anak sa NPA dahil sa dinanas nilang abuso sa kamay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at naniniwala ito na makatwiran ang ipinaglalaban ng anak, pero ibang porma ang kanyang pinili para mapigilan ang pambubusabos sa aming mga Lumad at katutubo.
File

MANILA, Philippines — Napatay ng tropa ng pamahalaan ang bunsong anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat sa isang sagupaan sa Surigao del Sur.

Kinilala ang nasawi na si Jevilyn “Ka Reb” Campos Cullamat, 22, na nagsisilbing medic ng mga rebeldeng New People’s Army at nakatalaga sa Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) Platoon of Guerilla Front 19, Northeastern Regional Committee (NEMRC).

Nabatid na si Jevilyn ay dating estudyante sa mga eskwelahan na may kaugnayan sa NPA tulad ng Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) at Tribal Filipino Program of Lianga, Surigao del Sur (TRIFPSS INC.).

Nasabat ng mga sundalo ang ilang armas, bala at dokumento sa pinangyarihan ng engkwentro sa bahagi ng San Isidro, Marihatag, Surigao del Sur.

Agad namang kinuha ang bangkay ni Jevilyn at inimpormahan na rin ang ina nito na si Rep.Cullamat sa sinapit ng bunsong anak.

Sinabi ni Rep. Cullamat, na batid niya ang pagsali ng anak sa NPA dahil sa dinanas nilang abuso sa kamay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at naniniwala ito na makatwiran ang ipinaglalaban ng anak, pero ibang porma ang kanyang pinili para mapigilan ang pambubusabos sa aming mga Lumad at katutubo.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with