12 kongresista na humihingi ng porsyento sa DPWH projects pangalanan
Ito ang hamon ni Infrawatch PH Convenor­ Terry Ridon kay Presidential Anti Crime Com­mission(PACC) Commissioner Greco Belgica at huwag magtago sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang hurisdiksyon kaya hindi niya isasapubliko ang nilalaman ng PACC report na nagdedetalye ng korapsyon sa DPWH na sangkot ang mga congress­man.
BusinessWorld/File

12 kongresista na humihingi ng porsyento sa DPWH projects pangalanan

Joy Cantos (Pang-masa) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Huwag magkubli at pangalanan ang 12 kongresista na humihingi ng porsiyento sa lahat ng proyekto ng DPWH.”

Ito ang hamon ni Infrawatch PH Convenor­ Terry Ridon kay Presidential Anti Crime Com­mission(PACC) Commissioner Greco Belgica at huwag magtago sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang hurisdiksyon kaya hindi niya isasapubliko ang nilalaman ng PACC report na nagdedetalye ng korapsyon sa DPWH na sangkot ang mga congress­man.

Sinabi ni Ridon, sa oras na matanggap ng Office of the Ombudsman ang PACC report mula sa Malacañang ay may obligasyon na itong isapubliko ang mga pangalan kaya walang dahilan para ipitin pa ito ni Belgica.

Ganito rin ang paliwanag ni Justice Undersecretary Adrian Sugay, aniya, kapag naipasa na kay Ombudsman Samuel Martires ang PACC report ay bahagi na ito ng public record kaya matu­tukoy din ang pangalan ng 12 congressman na iisyuhan ng subpoena.
Aminado si Sugay na bilang taxpayer ay nais din nitong malaman kung sinu-sino ang mga tiwa­ling kongresista na tinukoy sa report.

Sa 12 kongresista na tumanggap ng payola, may ilan na P10-M ang kickback, may isa na hu­mihingi ng hanggang P100-M habang ang iba ay 5% hanggang 15% ang cut sa infrastructure budget sa kanilang distrito.

Nananatiling tahimik naman ang tanggapan ni House Speaker Lord Allan­ Velasco na kung saan sa ilalim ng House Rules ay maaaring magsagawa ng imbestigasyon motu propio ang House Ethics Committee laban sa mga kongresista na sinasangkot sa katiwalian, subalit aminado si Iloilo Rep. Janette Garin na pagsasayang lang ng oras kung magsasagawa ng imbestigasyon.
Nangangamba ang Infra­watch na kung hindi tutukuyin ang 12 congressman ay mauulit muli ang korapsyon sa 2021 budget kung saan nasa P650-M hanggang P15-B ang infrastructure funds ng bawat kongresista na nasa DPWH budget.

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with