NBI tugis ang mga killer ng 2 abogado sa Palawan at Cebu

Danilo Garcia (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hinahanap na ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pumaslang sa dalawang abogado sa Palawan at Cebu City.

 “The government is very much concerned about the increasing number of crimes committed against lawyers, prosecutors, and judges, and while these are generally considered to be part of the hazards of the profession, the government is committed to bring the perpetrators of these crimes before the bar of justice,” pahayag ni Guevarra.

Magugunita na kasunod na pinatay sina lawyer Eric Jay Magcamit at Joey Luis Wee linggo lamang ang pagitan.

Pinagbabaril hanggang sa mamatay si Magcamit nitong Nob­yembre 17 papunta sa isang pagdinig habang si Wee ay binaril sa labas ng opisina nitong Nobyembre 23.

Pinakalat na ang mas maraming operatiba upang mapaigting ang paghahanap sa mga suspek.

NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with