Political tarpaulins bawal sa Maynila

Ito ang kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno dahil ang pagkakabit ng anumang uri ng ‘political banners o tarpaulins’ sa loob ng siyudad ay isang ‘eyesore’.
Russell Palma/File

MANILA, Philippines — Babaklasin sa Maynila ang anumang pos­ters, tarpaulins at mga kaha­lintulad na materyales na nagpu-promote ng alinmang politiko o isyung pampolitikal.

Ito ang kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno dahil ang pagkakabit ng anumang uri ng ‘political banners o tarpaulins’ sa loob ng siyudad ay isang ‘eyesore’.

Kaya’t ang payo nito sa nais magsulong ng kanilang ‘political agenda’ ay sa ibang lungsod na lamang ikabit ang kanilang mga mater­yales.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay pinabaklas ni Moreno ang isang tarpaulin banner na nagdedeklara na ‘persona non grata’ ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Show comments