PhilHealth, nakapagbayad na ng P700 milyong utang sa PRC

“Ang atin pong naibayad na sa kabuuan sa Red Cross ay P700 million. Lalabas po sa huling pronouncement ng Red Cross ang balanse pa natin ay mga P377 million pa,” saad ni PhilHealth spokesperson Rey Baleña.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagbayad muli ang Philippine Health Insu­rance Corporation ng P700 milyon sa Philippine Red Cross.

“Ang atin pong naibayad na sa kabuuan sa Red Cross ay P700 million. Lalabas po sa huling pronouncement ng Red Cross ang balanse pa natin ay mga P377 million pa,” saad ni PhilHealth spokesperson Rey Baleña.

Nagpasalamat din si Baleña sa PRC sa pagba­balik-operasyon ng COVID-19 testing matapos ang paunang bayad nito.

Una nang sinabi ni PRC chairperson Senator Richard Gordon na madaling maubos ang pondo ng ahensya dahil sa dami nang pinopro­sesong tests.

Aniya, mababaon umano lalo sa utang ang PhilHealth kung hindi babayaran ang balanse nito.

Show comments