Makabayan bloc hinamon ni Esperon na humarap sa ‘red-tagging’ isyu

Ito ang naging hamon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon sa Makabayan bloc nang hindi dumalo sa Senate hearing na nagpapakita lang ng kahina-hinalang hakbang ng mga ito.
STAR/Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Ipakita ang tapang at humarap sa isa pang congressional hearing para maipakita na sila ay nagsasabi ng totoo kaugnay ng red-tagging issue.

Ito ang naging hamon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon sa Makabayan bloc nang hindi dumalo sa Senate hearing na nagpapakita lang ng kahina-hinalang hakbang ng mga ito.

Ayon kay Esperon, vice chairman of the National Task Force End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sa pagdalo ng mga ito sa Congressional hearing ay isang magandang oportunidad sa parehong kampo upang malinaw ang mga alingasngas tungkol sa red-tagging.

“Eh lagi nyo sinasabi na fake news kami, Eh kayo hindi lang kayo fake news, no news pa kayo. No show pala. Eh anong mas mahirap? Yung no show o yung talagang gustong magpakita doon,” dagdag ni Esperon.

Ang Makabayan bloc, ay binubuo nina Bayan Muna Reps. Carlos Isagani Zarate, Eufemia Cullamat at Ferdinand Gaite; Gabriela Rep. Arlene Brosas; ACT Teachers Rep. France Castro at Kabataan Rep. Sarah Jane Elago na hindi dumalo sa patawag ni Senator Panfilo Lacson para maghayag ng saloobin sa red-tagging issue at kung bakit inaakusahan ang grupo ni Esperon na ginagamit bilang front ng NPA.

Gayunman, sinabi ni Esperon na nirerespeto ng NTF-ELCAC ang anumang desisyon ng Kongreso kung tatanggalin ang budget para sa Barangay Development Program na may halagang P16 bilyon na una nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Show comments