EDSA Busway, trains suspendido — DOTr

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang EDSA Busway consortium at mga tren sa bansa dahil sa bagyong Rolly.

Dakong ala-1:00 ng hapon nang magsimula ang suspensiyon ng ope­rasyon ng EDSA Busway bunsod na rin ito ng masamang panahon sa National Capital Region (NCR), dala ng super bagyo.

Una na ring nagsuspinde ng operasyon ang Metro Rail Transit Line 3, Light Rail Transit Line 2, at LRT Line 1 dahil sa pagtaas sa Metro Manila sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4.

Habang ang PNR ay papasakayin muna ang mga natitirang pasahero bago magsuspinde.

Show comments