^

Police Metro

Duterte naka-monitor sa bagyong Rolly

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte naka-monitor sa bagyong Rolly
“Patuloy naman po ang monitoring namin ni Pa­ngulong Duterte sa status ng bagyong ito. Sinisigurado ng Pangulo na laging handa ang mga ahensiya ng gobyerno na magbigay ng immediate assistance sa mga lugar na maapektuhan po ng bagyo,” ani Go.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na personal na tinututukan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga kaganapan ng Bagyong Rolly na sinasabing pinakamalakas na bagyong papasok sa bansa ngayong taon. 

Ayon kay Go, bukod sa kanilang pagmo-monitor sa bagyo, tiniyak na rin ni Duterte na mabibigyan kaagad ng tulong ang mga maapektuhang lugar.

“Patuloy naman po ang monitoring namin ni Pa­ngulong Duterte sa status ng bagyong ito. Sinisigurado ng Pangulo na laging handa ang mga ahensiya ng gobyerno na magbigay ng immediate assistance sa mga lugar na maapektuhan po ng bagyo,” ani Go.

Partikular na pinag-iingat ang mga residente sa Bicol, Calabarzon, Mimaropa at Central Luzon.

“Sa mga kababayan ko po, lalo na diyan sa Bicol, Calabarzon, Mimaropa at Central Luzon, kailangan na naman nating maghanda sa bagong bagyong Rolly. Kalalabas lang po ng bagyong Quinta, ito na naman po, inaasahan na mas malakas ang bagyong ito,” dagdag ni Go.

Sinabi rin ni Go na naka-red alert na rin ang Armed Forces of the Phi­lippines at naka-evacute na sa ligtas na lugar ang mga military assets katulad ng barko at eroplano.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with