Cameroon national binoga sa ulo
Sinisiyasat ng miyembro ng SOCO ang bangkay ng isang Cameroon national matapos itong barilin ng hindi pa kilalang lalaki sa kanto ng Libertad St., at Roxas Boulevard, Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Miguel De Guzman
Cameroon national binoga sa ulo
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang lalaking Cameroon national nang malapitang barilin sa ulo ng isang lalaki sa tapat ng isang convenience store sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si Divine Njua Komfum, 47-anyos, binata, at nanunuluyan sa Unit A Villa Vista Condo, sa Brgy. Sto. Niño, Paranaque City. Agad namang tumakas ang salarin na inilarawan na nakasuot ng hoodie jacket, pantalon at face mask.

Sa ulat, bago naganap ang pamamaril, alas-12:15 ng madaling araw sa tapat ng isang convenience store sa kanto ng Libertad St., at Roxas Blvd, Service Road, Brgy. 13 Zone 4, Pasay City ay naglalakad ang biktima habang gamit ang kaniyang mobile phone.

Hindi nito akalain na siya ay sinusundan ng suspek at nang makalapit ay binaril ito sa ulo at bumulagta.

Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng hindi pa batid na sasakyan.

Ayon sa kaibigan ng biktima na dumating sa crime scene na ito ay may-ari ng isang bar sa Parañaque at wala siyang maisip na motibo o may nakagalit sa biktima para gawin ang pagpatay.

CRIME DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with