12 mangingisda sa Catanduanes nawawala sa bagyong Quinta
Doris Franche (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Cashean Timbal na nasa 12 mangi­ngisda mula sa Catanduanes ang nawawala dahil sa bagyong Quinta.

Ang mga mangi­ngisda na nawawala ay mula sa Barangay Pananogan, Bato; Barangay Cagdarao, Panganiban; at Barangay Poblacion District III, Gigmoto sa Catanduanes.

Samantala, tinataya namang nasa 2,475 pamil­ya o 9,235 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo na karamihan ay mula sa Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan (Mimaropa), Bicol Region, at Cordillera Admi­nistrative Region.

Kasalukuyan namang nasa evacuation center ang 1,503 pamilya o 5,704 indibidwal.

“(Some) 3,254 persons or 968 families were also evacuated but opted to stay in other places outside the flood, landslide, storm-surge, lahar-prone areas, usually with their other relatives,” punto ni Timbal.

BAGYONG QUINTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with