COVID-19 sa PNP pumalo na sa 6,998

Samantala, 70 ang dumagdag na bilang na mga gumaling kaya’t 6,384 na ito sa kabuuan.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 6,998 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Sa kabuuang bilang na ito, tinamaan ng sakit ang 43 pang tauhan ng PNP.

Samantala, 70 ang dumagdag na bilang na mga gumaling kaya’t 6,384 na ito sa kabuuan.

Nananatili namang 22 ang bilang ng mga nasawi sa hanay.

Sa kasalukuyan, mayroong 529 pang tauhan ng organisasyon ang nagpapagaling sa sakit.

Show comments