Kakaibang diskarte sa bagong ekonomiya isinusulong sa Kamara
Joy Cantos (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang mga ‘bold economic policies’ o naiibang mga diskarte sa pagharap sa bagong ekonomiya pagkatapos ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Salceda, isang ekonomista at Chairman ng House Ways and Means Committee, nilalayon ng nasabing hakbangin na maiwasan ang tinatawag na “hugis–K na pagbangon” kung saan umuunlad ang nakapag-aral at nakaririwasa habang ang karaniwang mga manggagawa ay napag-iiwanan  na nanatiling nakabaon sa kahirapan.

 Sa isang ‘aide me­moire’ na isinumite ni Salceda sa liderato ni Speaker Lord Allan Velasco, ang isang bagong istratehiyang binansagan nitong “New Deal for the New Economy” ay nakapaloob ang agresibong mga tugon ng batas na titiyak sa patas na pagbangon para sa lahat pagkalipas ng pandemya.

“Kung hindi tayo kikilos agad, malamang manatiling walang sapat na pinagkakakitaan ang 25% ng mga Pilipino  na walang trabaho ang 8% sa kanila sa katapusan ng 2021,” ayon kay Salceda, na Chairman rin ng House’s Economic Stimulus and Recovery Cluster for the Defeat Covid-19 Committee.

Anya, magkakaroon ng seryoso at matinding implikasyon ang ganitong kalagayan sa pangkalusugan, panlipunang kaayusan at katiwasayan, katahimikan sa industriya, pulitika gayundin sa pang-ekonomiyang katatagan.

EKONOMIYA KAMARA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with