Angkas, Joyride muling aarangkada

“Pinapayagan na rin ang mga pagpapatupad ng motorcycle taxi pilot study pagkatapos payagan ng Kamara de Representante na i-extend ang motorcycle taxi pilot study program. So, mabu­ting balita po yan kasi pupuwede naman tayong mag-Angkas o mag Joyride,” anunsiyo ni Roque.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pwede na muling bumiyahe ang mga motorcycle taxi gaya ng Angkas at Joyride.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang aprubahan na ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emer­ging Infectious Diseases (IATF) ang pagbabalik ng mga motorcycle-taxis.

“Pinapayagan na rin ang mga pagpapatupad ng motorcycle taxi pilot study pagkatapos payagan ng Kamara de Representante na i-extend ang motorcycle taxi pilot study program. So, mabu­ting balita po yan kasi pupuwede naman tayong mag-Angkas o mag Joyride,” anunsiyo ni Roque.

Idinagdag ni Roque na mayroong guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at hintayin na lamang ang pagpapalabas nito.

Show comments