CPP-NPA idineklarang persona non grata sa Metro Manila
Ang tarpaulin ay nakalagay sa railings ng isang footbridge malapit sa US Embassy sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
STAR/File
CPP-NPA idineklarang persona non grata sa Metro Manila
Doris Franche (Pang-masa) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang tarpaulin na namataan sa Maynila na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bilang persona non-grata sa National Capital Region.

Ang tarpaulin ay nakalagay sa railings ng isang footbridge malapit sa US Embassy sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

“Ang teroristang CPP-NPA-NDF ay persona non grata sa Metro Manila (Terrorist groups CPP-NPA-NDF are persona non grata in Metro Manila)” na nasa footbridge malapit sa United States embassy.

Sinabi  naman ni Phi­lippine National Police (PNP) chief Police Ge­neral Camilo Pancratius Cascolan na ang tarpaulin ay  galing sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pakikipagtulungan ng  mga lokalidad para labanan ang communist insurgencies.

“Sa ELCAC ‘yan, sa end local terrorism armed conflict. It is actually in partnership with all the community,” paliwanag ni Cascolan.

Sa ilalim ng  Executive Order No. 70 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018, kabilang ang PNP Chief sa mga miyembro ng task force kasama ang ilang puno ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

“Ayaw po natin may mangyaring masama sa atin. Ayaw po nating magkaroon ng rebellion, lalo na mga kawan ng NPA, mga galawan ng NPA,” giit ni Cascolan.

Sinabi pa nito na gagawin ng pulis ang kanilang trabaho kapag nanggulo sa Kamaynilaan ang komu­nistang grupo.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with