Paghihigpit sa MGCQ aalisin sa ‘new normal’— DILG
Malou Escudero (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na ipatutupad pa sa mga lugar na ide­deklarang “new normal” o “post-community qua­rantine” ang mga “restrictions” na ipinatutupad naman sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community qua­rantine (MGCQ).

Sa Laging Handa online press briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na kailangan lamang sundin ang mga minimum health standards pero wala nang mga bawal.  

“Ang kasiguruhan lang po ‘pag sinabing new normal ay kailangan sumunod sa mga minimum health standards ngunit iyong mga restrictions makikita natin under the Modified General Community Quarantine ay hindi na po natin makikita dito sa new normal. Dahil nga po sa new normal, it’s now under a post-community quarantine scenario,” paniniyak ni Malaya.

Sinabi pa ni Malaya na bagaman at wala ang kumpletong datos, ang isang lugar na walang community quarantine ang ilalagay sa new normal na kayegorya.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with