Occidental Mindoro niyanig ng 5.4 magnitude
Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagulantang ang mga natutulog na residente ng Occidental Mindoro matapos silang yanigin ng 5.4 magnitude na lindol kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Phil. Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs), dakong alas-4:06 ng madaling-araw nang tumama ang lindol na ang sentro nito ay nasa 23 kilometro ng timog-kanluran sa bayan ng Looc.  Tectonic naman ang ugat ng lindol at umaabot sa 33 kilometro ang lalim ng lupa ng pag­yanig.

Bunga nito, naram­daman ang lakas ng lindol sa Intensity 4 sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro; Tagaytay City habang Intensity 3  sa Mamburao, Occidental Mindoro at ibang bahagi ng Metro Manila sa Muntinlupa City; Makati City at Quezon City. Intensity 2 naman sa  Marikina City; Malabon City; Meycauayan City, Bulacan; Floridablanca, Pampanga at Intensity I sa  Mauban, Gumaca, at Lopez, Quezon; Cabanatuan City; Palayan City.

Pasado alas-9 ng umaga kahapon nang magkaroon ng pitong aftershocks sa nasabing lindol.

LINDOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with